Inflation rate sa bansa bumilis sa 4.4% nitong Hulyo
Bumilis pa ang inflation o galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo nitong Hulyo, na pumalo sa 4.4%, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mataas ito kumpara sa 3.7% na naitala noong Hunyo.
Sinabi ni National Statistician Undersecretary Dennis Mapa, na ang pagtaas ng halaga ng pagkain at mga non-food item gaya ng upa sa bahay at pagtaas ng presyo ng liquified petroleum gas o LPG, ang dahilan ng pagtaas ng inflation.
Sa data ng PSA, ang food inflation o galaw ng presyo ng pagkain ay umabot sa 6.7% nitong Hulyo.
Sa mga pagkain, tumaas ang presyo ng bigas, karne at ilang gulay gaya ng kamatis at mais, itlog at iba pang dairy products.
Meanne Corvera