Inflation rate sa bansa, patuloy ang pagtaas
Patuloy ang pagtaas ng Inflation rate o presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Sa datos ng Philippine Statistic Authority (PSA), umabot na sa 4. 2 percent ang inflation rate sa katatapos na buwan ng Enero na mas mataas kumpara sa 3. 5 percent na naitala noong 2020.
Sinabi ni Undersecretary Dennis Mapa, ito na ang pinakamataas na infation rate sa nakalipas na apat na buwan na nagsimula noon pang Oktubre ng 2020.
Mas mataas ito kumpara sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong nakaraang linggo na aabot lang sa 3. 3 hanggang 4. 1 ang inflation rate.
Pinakamalaking ambag sa inflation ang pagtaas ng presyo ng karne lalo na ang baboy na tumaas ng 68 percent.
Naging mabilis rin aniya nag pagtaas ng presyo ng bigas, mais at iba pang basic commodities.
Nakapag-ambag rin sa inflation ang singil sa tubig, kuryente, gas at housing.
Meanne Corvera