Inflation rate sa Marso, maaaring pumalo hanggang sa 8.2%– BSP
Posibleng umabot hanggang sa 8.2% ang inflation o ang bilis ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa bansa sa Marso.
Sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), maaaring pumalo sa 7.4 hanggang 8.2 percent ang inflation ngayong Marso.
Ayon sa BSP, maaaring mag-ambag para maibsan ang inflation ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo at ang pagbaba sa mga presyo ng manok at asukal.
Habang ang upward price pressures ay inaasahan na dulot ng mas mataas na singil sa kuryente sa mga lugar na siniserbisyuhan ng Meralco at ang taas-presyo ng ilang pagkain gaya ng baboy, isda, itlog at bigas.
Noong Pebrero ay bahagyang bumagal ang inflation sa 8.6% mula sa 8.7% noong Enero.
Moira Encina