Inflation rate , tumaas sa buwan ng Hulyo
Bumilis pa ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo nitong Hulyo
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo na sa 6.4 percent ang inflation, mas mataas sa 6.1 percent na naitala noong Hunyo at halos doble sa naitala noong Hulyo ng nakaraang taon na 3.7 percent.
Ayon kay Usec, Dennis Mapa ng PSA, ang mataas na inflation ay dulot ng mabilis na pagtaas ng presyo ng pagkain tulad ng karne at isda, itlog, refined sugar at tinapay.
Bahagya rin tumaas ang presyo ng kada kilo ng bigas nitong Hulyo.
Bukod dito, malaki rin aniya ang naging epekto ng pagtaas ng singil sa pamasahe sa jeep na dulot naman ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Naging mabagal naman ang pagtaas ng bilihin at serbisyo sa Metro Manila na naitala sa 5.7 percent.
Meanne Corvera