Injury sa katawan puwedeng maidulot ng labis na paggamit ng gadgets – ayon sa mga eksperto
Lifestyle na ng maraming tao ang paggamit ng gadgets araw araw.
Para sa iba ……hindi buo ang araw pag wala ito .
Pinaka karaniwan na ginagamit ang cellphones.
Isa sa tatlong pinakamadalas na maranasan ng mga taong gumagamit ng cellphone ay trigger finger.
Ilan sa sintomas ng trigger finger ay pamamanhid ng daliri, pagtubo ng maliliit na bukol sa palad, pagsakit ng mga daliri pag hinahawakan at hindi maigalaw ng maayos ang mga daliri.
Kapag laging nakatungo dahil sa paggamit ng gadgets, mararanasan ang pananakit ng likod at pangangapal ng mga buto sa likuran ng leeg.
Bukod sa trigger finger, ang palagiang paggamit ng gadgets ay maaari ring magresulta ng tinatawag na carpal tunnel syndrome na ang ilan sa sintomas ay pamamanhid at pananakit ng mga daliri, at pakiramdam na parang kinukuryente ang mga daliri.
Payo ng mga eksperto, kapag naranasan ang mga nabanggit na sintomas, kumunsulta agad sa isang espesyalista upang mapalapatan ng angkop na lunas.
At mahalagang paalala na limitahan lang ang paggamit ng gadgets ng dalawang oras kada araw.
Ulat ni Belle Surara