Inmates na tumestigo vs. Sen. de Lima sa Bilibid drug trade, inalok ng ₱100M para bawiin ang kanilang testimonya ayon sa DOJ

vital

 

Isiniwalat  ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na tinangkang suhulan  ng kabuuang ₱100M ang mga high-profile inmates na nasa AFP Custodial Center para bawiin ang kanilang testimonya laban kay Senadora Leila de Lima kaugnay sa illegal drug trade sa Bilibid.

Sinabi ni Aguirre na ang alok sa mga inmate ay unang ginawa kahapon ng isang dating Senador at isang incumbent Congressman mula sa Laguna na parehong taga-Liberal Party kapalit ng pagbaligtad sa kanilang pagdiin sa Senadora.

Inulit  kaninang umaga ang alok  sa pamamagitan ng isang pang inmate na si dating Police Chief Inspector Clarence Dongail.

Binigyan ang mga inmate ng hanggang Sabado Pebrero a Bente Singko para bawiin ang kanilang pahayag.

Ayon sa kalihim, walang inmate na tumanggap ng suhol.

Walong VIP inmates ng Bilibid na tumestigo laban kay de Lima ang pansamantalang inilipat sa AFP detention facility .

 Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *