Insentibo para sa mga nabakunahan kontra Covid-19, iminungkahi
Ipinapanukala ni Senador Cynthia Villar na bigyan ng incentives ang mga nabakunahan na laban sa Covid-19.
Sa budget hearing ng Senado, sinabi ni Villar na kung bibigyan ng special priviledge ang mga nabakunahan tulad ng payagan na silang makapag-dine-in o pumasok sa malalaking establishments, mahihikayat rin ang iba na magpabakuna.
Ayon kay Villar, kailangan itong gawin ng gobyerno para mahikayat ang mas maraming Filipino na magpabakuna at makamit ang target na herd immunity.
Sa ganitong paraan tuluyan nang mabubuksan ang mga negosyo na matindi nang umaaray na dahil sa paulit ulit na pagpapatupad ng mga lockdown at mas mahigpit na quarantine protocols.
Senador Villar:
“How can you convince those who do not want to be vaccinated to be vaccinated when you are fully vaccinated and you’re not allowed to go out and enjoy life? We have to give some priviledges to the vaccinated para ma-convince natin yung matitigas ang ulo na magpa-because that’s the only way. Because why will they be vaccinated when they enjoy the same priviledges as the vaccinated? Dapat i-insist iyo sa IATF na ‘pag vaccinated bigyan naman ng privileges para yun namang ayaw magpa-vaccinate e ma-convince natin na ma-vaccinate para ma-vaccinate natin ang ating target para mabuksan natin ang ating economy for the sake of the small, micro-enterprises na umiiyak na sila talaga ngayon”.
Samantala, suportado naman ni Senador Sonny Angara ang hakbang.
Aniya, humingi umano ng tulong sa kanila ang asosasyon ng mga restaurant na payagan na ang customers dine-in para unti-unti na silang makabawi sa matinding lugi.
Senador Angara:
“I received the position from the restaurants association and they are asking they be permitted to allow indoor dine in even during certain levels of quarantine, so long as those who would dine would present their vaccine card”.
Meanne Corvera