Insidente ng pagkamatay ng Afghan nationals, iimbestigahan ng Pentagon
WASHINGTON, United States (AFP) – Inihayag ng US Air Force na iniimbestigahan nila kung paano namatay ang mga sibilyan, habang tinatangka ng mga ito na sumabit sa isang papaalis na eroplano sa Kabul airport, sa gitna ng pagkakagulo bunsod ng biglaang pananakop ng Taliban sa kapitolyo ng Afghanistan.
Ayon sa spokeswoman na si Ann Stefanek, nire-review na ng mga imbestigador ang footage ng tila hindi bababa sa 2 Afghans na nalaglag mula sa papalipad nang C-17 transport plane noong Lunes, maging ang videos at social media posts na may kaugnayan sa iba pang posibleng casualties.
Kinumpirma ni Stefanek, na iimbestigahan din nila ang katawan na nakita sa wheel well ng eroplano nang lumapag na ito sa Qatar.
Ayon pa sa opisyal, lumapag ang eroplano para magdeliver ng equipment pangsuporta sa paglilikas sa US at Afghan civilians mula sa Afghanistan.
Aniya . . . “Before the air crew could offload the cargo, the aircraft was surrounded by hundreds of Afghan civilians who had breached the airport perimeter. Faced with a rapidly deteriorating security situation around the aircraft, the C-17 crew decided to depart the airfield as quickly as possible.”
Agence France-Presse