Insured na ba ang inyong fur babies?

Happy day sa lahat ng ating kapitbahay! Kayo ba ay may alagang pusa o aso? Naka-insured ba sila?  What, insured? Yes po, may insurance na ba sila? For sure, ang reaksyon ng ibang nakababasa nito ay … kung ako nga walang insurance, ‘yung pang alaga ko?

O siya, sige, ang layunin naman natin ay para hindi tayo mahuli sa mga kaalaman na pati ang alagang hayop ay puwede na ngayong ipa-insured.

Pet insurance ang topic natin,  pero, hindi ako ang magtatalakay kundi ang naging guest sa Let’s Get Ready To TVRadyo kamakailan na si Mr. Denis Reyes, Founder/CEO ng Petdentity.


Mahirap kapag nagkasakit o nagkakasakit ang ating pet sabi ni Mr. Denis, at dahil itinuturing na natin na miyembro ng pamilya, nag-aalala tayo kapag maysakit ang ating alagang aso o pusa. Kapag dinala sa veterinary clinic minsan mahina ang 5 thousand pesos na magagastos depende sa magiging sakit. Kaya mahalagang maging handa.

Sabi ni Mr. Denis sa insurance na binabanggit para sa aso at pusa, ang pinakamababang premium ay P 900, nine hundred pesos at ang coverage nito ay nasa 20 thousand pesos. Kapag nagsakit ang aso may medical reimbursement.

Sa ngayon ang kanilang tinatanggap for insurance ay mga pure bred na aso o kung nalahian man ay up to third degree.  Ang kagandahan anya ng pet insurance, hindi lang aso kundi pati pusa ay kasama na. Sa ngayon, marami ang mamahaling pusa sa Pilipinas na nagkakahalaga ng 50K -300 thousand pesos.

Samantala, kasama sa coverage ang travel insurance.  Kapag naconfine ang alagang aso, merong makukuhang 500 or 750 pesos daily, maximum of five days.

Halimbawa at mawala naman ang aso, at gustong magpa-advertise o mag-reward, kasama pa rin ito sa coverage depende sa policy na kukunin ng may-ari.

Meron ding death coverage depende sa premium na kinuha at may tinatawag ding burial expenses reimbursement depende pa rin sa kukuning policy ng may-ari.

At kung ang pet ay nakakagat, covered din.  Kung meron pa kayong mga gustong malaman ukol sa pet insurance, maaari ninyong puntahan ang Petdentity FB page.

And that’s it mga kapitbahay ang ilang kaalaman ukol sa pet insurance, until next time!

Please follow and like us: