Integrative Medicine, tinatawag ding Functional medicine, ayon sa mga eksperto
Iba’t-ibang uri ng panggagamot ang laganap ngayon upang lunasan ang mga sakit o karamdaman na laganap rin sa kasalukuyan.
Mayroong tinatawag na alternative medicine, traditional medicine, conventional medicine at iba pa.
Lahat ng ito ay sinusubukan ng tao upang kahit paano ay ibsan ang nararamdamang kirot at sakit na dumapo sa katawan.
Ayon kay Dra. Imelda Edodollon, Medical director ng Holistic Integrative care center o HICC, Integrative medicine ang paraan ng kanilang ginagawa upang gamutin ang sinumang pasyenteng magtutungo sa kanilang klinika.]
Sinabi niya na ang Integrative medicine ay pinagsamang alternative, traditional at conventional medicine.
Kaya naman, nais ni Dra. Edodollon na malaman ng publiko ang Integrative Medicine.
Dra. Imelda Edodollon, Medical Director, HICC
” So we are here to really help integrative medicine, help us be more knowledgeable about a new approach in medicine and that’s called Integrative medicine. It may be called Functional medicine and this is bringing health, lifestyle modification to everybody”.
Ulat ni Belle Surara
=== end ===