Intel funds ng gobyerno sa 2018 mas malaki
Malaki ang madadagdag sa intelligence funds ng gobyerno sa susunod na taon.
Batay sa 2018 National Expenditure Program, ₱4.12B ang ilalaan para sa intelligence funds sa ilalim ng ₱3.7T na panukalang pondo para sa susunod na taon.
Mas mataas ito kung ikumpara sa ₱3.49B na intelligence funds ng gobyerno ngayong 2017.
Ayon sa Makabayan bloc sa Kamara, kanila nang inisyal na nasilip ang 2018 proposed National budget.
Nakita nila na ₱1.2B ang nakalaan na intelligence fund sa 2018 para sa Office of the President.
Please follow and like us: