Intel report na nasa Pilipinas na ang may 1, 200 na pwersa ng teroristang Islamic State hindi dapat balewalain ng gobyerno

Pinapa-imbestigahan ng mga Senador sa militar at pulisya ang napaulat na presensya ng teroristang Islamic State sa Pilipinas.

Kasunod ito ng pahayag ni Indonesian Prime Minister Ryamizar Ryacudu na nakapasok na sa Pilipinas ang may 1, 200 na miyemro ng I-S fighters kasama na ang apatnapung Indonesia Nationals.

Minaliit lang ng PNP National Capital Region ang report at igiiit na wala silang namomonitor na anumang presensya ng teroristang grupo lalo na sa Metro Manila.

Pero ayon sa mga Senador, hindi dapat binabalewala ng mga otoridad ang anumang intelligence information sa pangambang maulit ang nangyaring pag-atake sa Marawi City.

Hindi sang-ayon si Escudero na agad isinapubliko ang aniya’y delikadong impormasyon sa pangambang magdulot ito ng takot lalo na sa mga negosyante.

Pero mahalaga ngayon na kumilos ang militar at pulisya para sa regional cooperation at regular mechanism para sa palitan ng impormasyon sa international intelligence agencies para labanan ang banta ng terorsimo.

Kahit si dating PNP Chief at ngayoy Senador Panfilo Lacson, nagsabing sa halip na i-downplay, mahalaga ang close coordination ng mga security offcials sa neighboring countries kasama na ang Estados Unidos at European Union para mapigilan ang anumang pag-atake.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *