Intelektuwalisasyon ng wikang Filipino
Magandang araw mga kapitbahay! Medyo kaiba sa karaniwang pinapaksa natin ang pag-uusapan natin ngayon, ito ay may kinalaman sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino. Naalala ko kasi ‘yung naging interview ng Taumbahay (programa sa Net 25)Kay Ginoong Benjamin Mendillo.
Intelektuwalisasyon ng wikang Filipino, ano nga ba ito? Ganito ang paliwanag ni Ginoong Mendillo, ito ay nakabatay sa paggamit ng wikang Filipino bilang medium ng pagtuturo sa iba’t ibang sangay, halimbawa, Chemistry, Mathematics, Economics. Sa pangkalahatan, ang ginagamit sa mga asignaturang nabanggit ay English.
Pero dahil sa kailangan na pinauunlad ang wikang Filipino, hindi lamang sa mga katutubong wika tayo meron sa Pilipinas gayundin sa iba’t ibang disiplina.
Sabi pa ni Ginoong Mendillo, mas magiging madikit o mas mapabubuti ang kaalaman ng mga estudyante kung maipaliwanag sa sariling wika. Halimbawa, sa Accountancy, ang mga halimbawang ibinibigay ng mga teacher ay nakikita sa kapaligiran- Kung maipaliliwanag sa sariling wika, mas mauunawaan ito.
Kailangan sa intelektuwalisasyon ang mga content expert para magtipon-tipon para matalakay kung ano ang mga pwedeng gamitin o kahulugan Ng mga salita, halimbawa, chemical bonding na ginagamit sa Chemistry.
Dapat tandaan aniya, na kahit ang English language ay marami ding pinagdaanang proseso gaya ng wikang Filipino. Ang rule of thumb sa translation, kapag ito ay highly technical, pinananatili ito para maiwasan ang confusion.
May mga international recognizable na mga salita na hindi na kailangang baguhin pa gaya ng fire exit, pedestrian crossing na hindi na binabago pa.
Sa huli, dagdag pa ni Ginoong Mendillo na tutoo naman na kapag ginamit ang wikang Filipino lalo na sa pagpapaliwanag kapag hindi maintindihan ng bata ang English, dito papasok ang Filipino, at pag ginamit ito mas mauunawaan at matututuhan nila ang paksa.
Mahalaga talagang makapag usap-usap ang mga eksperto para makapag develop ng isang paraan kung ano ang mga technical jargon na maaaring maisalin sa Filipino.
Malaking tulong ito sa mga guro na magagamit nila sa pagtuturo at ang magiging bunga nito ay sa pagpapalawak ng edukasyon.