Intelligence fund ng gobyerno bubusisiin ng Senado matapos ang mga panibagong kaso ng pagsabog sa Mindanao
Paiimbestigahan na ng oposisyon sa Senado kung paano ginagastos ng gobyerno at mga otoridad ang bilyun- bilyong pisong intelligence fund.
Sa harap ito ng mga bagong pagsabog sa Midsayap sa North Cotabato at General Santos city kahit pa may umiiral na Martial law.
Sinabi ni Senate minority leader Franklin Drilon na dapat malaman kung saan nagagastos ang pondo at panahon na para i-activate ang Committee on Intel funds.
Nakakabahala aniya ang mga kaso ng pagsabog at bakit hindi natunugan ng militar at pulisya sa kabila ng mahigpit na seguridad sa Mindanao.
Sen. Drilon:
“We need to revisit the utilization of the intelligence budget because the first corner is to see where the intelligence fund is being utilized, and that is why I think it is about time that we activate the committee on intelligence fund. I think Sen. Honasan is doing that”.
Ulat ni Meanne Corvera