Inter-agency Task Force, magsasagawa ng final meeting para sa Boracay re-opening
Magsasagawa ng final meeting bukas, Sept. 28 ang Inter-Agency task force upang maisapinal na ang mga patakaran ng Department of Tourism, Department of Environment and Natural Resources at Department of Interior and Local Government sa pagbubukas ng Boracay sa Oktubre 26.
Inaasahan ding mapag-uusapan ang dry run sa Oktubre 15 na naglalayong ma-assess ang iba pang mga dapat gawin bago ang reopening ng isla sa domestic at foreign tourists.
Isa na rito ang paglimita sa oras ng ilang water recreational activities kagaya ng paggamit ng jet ski at ang pagbabawal ng mga party sa beach front katulad ng sikat na La Boracay.
Muli ding tatalakayin ang carrying capacity o bilang ng mga turistang makakapasok sa isla sa loob ng isang araw upang masigurado ang kalinisan sa Boracay.
Nauna nang sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na maraming pagbabago ang kanilang ipapatupad sa boracay sa muling pagbubukas nito.
============