Inter-city quarantine control points sa Metro Manila, mananatili ngayong MECQ
Hindi aalisin ng Philippine National Police ang mga nakatalaga nang quarantine control points sa mga border ng Metro Manila kahit pa ibinaba na sa Modified ECQ ang rehiyon.
Ayon sa PNP, mananatiling tatauhan at susubaybayan ng mga pulis ang mga checkpoint upang matiyak na nasusunod ang mga health protocol.
Hindi pa rin papayagang makatawid sa ibang mga lungsod o inter-city checkpoint ang non-authorized person outside residence (APOR) na layong bumili lamang ng pangangailangan sa ibang lingsod.
Nanawagan si PNP Chief General Guillermo Eleazar sa publiko na manatiling sumusunod at nakikipagkaisa sa mga alituntuning ipinatutupad ngayong MECQ upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.
“Pagbabasehan po ng PNP ang mga guidelines na ito para ipatupad sa aming pagbabantay sa mga checkpoints at sa ibat ibang lugar kung saan pupunta ang ating mga kababayan at siguraduhin din na kung sila ay allowed lumabas na they will be observing minimum public health standards,” General Eleazar
TL