Interest rates muling itinaas ng BSP para mapabagal ang inflation
Nagpasya ang Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na itaas muli ang interest rates sa bansa.
Inanunsiyo ng BSP na itinaas sa 75-basis points ang interest rates para mapabagal ang inflation o mabilis na pagtaas na presyo ng mga bilihin.
Dahil dito, mula sa 2.5% ay 3.25% na ang interest rate sa overnight borrowing.
Itinaas naman ang interest rates sa overnight deposit sa 2.75% at sa lending facilities sa 3.75 %
Epektibo nitong Hulyo 14 ang mga nasabing interest rates.
Sinabi ng BSP na sa pagtataas muli ng interest rates ay batid ng Monetary Board na kinakailangan ang karagdagang paghihigpit sa monetary policy dahil na rin sa patuloy na price pressures o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Inihayag ng BSP na kayang i-accomodate ng domestic economy ang pagtataas ng interest rates dahil sa mga paborableng kondisyon dulot ng “strong rebound” sa ekonomiya ngayong taon.
Moira Encina