Interim government hinihintay na ng Bangladesh, army chief makikipagpulong sa protesters
(Reuters) – Makikipagpulong ang army chief ng Bangladesh sa student protest leaders, habang hinihintay ng bansa ang pagbuo sa isang bagong gobyerno, isang araw matapos magbitiw at tumakas si Prime Minister Sheikh Hasina, kasunod ng isang marahas na pag-aalsa laban sa kaniya na ikinamatay ng daan-daang katao.
Una nang sinabi ng student leaders, na siyang nagpasimuno sa isang pagkilos laban sa job quotas na nauwi sa panawagan ng pagbibitiw ni Hasina, na nais nila ng isang bagong interim government na ang magiging chief adviser ay ang Nobel Peace laureate na si Muhammad Yunus.
People waves Bangladeshi flags on top of the Ganabhaban, the Prime Minister’s residence, as they celebrate the resignation of PM Sheikh Hasina in Dhaka, Bangladesh, August 5, 2024. REUTERS/Mohammad Ponir Hossain
Sinabi ni Nahid Islam, isa sa pangunahing organisers ng student movement, “Any government other than the one we recommended would not be accepted. We wouldn’t accept any army-supported or army-led government. We have also had discussions with Muhammad Yunus and he has agreed to take on this responsibility at our invitation.”
Ang 84-anyos na si Yunus, at ang kaniyang Grameen Bank ay nagwagi ng Nobel Peace prize noong 2006 para sa kaniyang mga ginawa upang maiahon sa kahirapan ang milyun-milyong Bangladeshi, sa pamamagitan ng pagkakaloob ng maliliit na pautang na hindi aabot ng $100 sa mga mahihirap, ngunit siya ay kinasuhan noong Hunyo ng embezzlement na itinanggi nito.
A man holding a Bangladesh flag stands in front of a vehicle that was set on fire at the Ganabhaban, the Prime Minister’s residence, after the resignation of PM Sheikh Hasina in Dhaka, Bangladesh, August 5, 2024. REUTERS/Mohammad Ponir Hossain
Hindi rin agad na tumugon si Yunus sa mga kahilingan na siya ay magkomento.
Plano ni Bangladesh Army Chief General Waker-Uz-Zaman na makipagpulong sa protest organisers ngayong Martes, isang araw matapos i-anunsiyo ang pagbibitiw ni Hasina sa isang televised address at sinabing isang interim government ang bubuuin.
Ayon kay Zaman, nakipag-usap na siya sa mga lider ng major political parties pero hindi kasama rito ang Awami League ni Hasina, at nakatakda ring makipag-usap kay president Mohammed Shahabuddin .
People celebrate the resignation of Prime Minister Sheikh Hasina in Dhaka, Bangladesh, August 5, 2024. REUTERS/Mohammad Ponir Hossain
Sa isang televised address nitong Lunes ay sinabi ni Shahabuddin, “An interim government will hold elections as soon as possible after consulting all parties and stakeholders.”
Sinabi rin nito na napagkaisahan na agad na palayain ang chairperson ng opposition Bangladesh Nationalist Party (BNP) na si Begum Khaleda Zia, na na-convict sa isang graft case noong 2018, ngunit inilipat sa isang ospital makalipas ang isang taon dahil sa paglala ng kaniyang kalusugan. Pinabulaanan niya ang mga paratang laban sa kaniya.
Ayon sa isang tagapagsalita ng BNP, ang 78-anyos na si Zia ay nasa ospital ngunit lalabas na sa lalong madaling panahon, upang lilinisin ang lahat ng paratang laban sa kaniya sa legal na paraan.
People waves Bangladeshi flags on top the Ganabhaban, the Prime Minister’s residence, as they celebrate the resignation of PM Sheikh Hasina in Dhaka, Bangladesh, August 5, 2024. REUTERS/Mohammad Ponir Hossain
Ang 76-anyos na si Hasina, ay nagsimulang mamuno sa Bangladesh noong 2009, makaraan ang ilang dekada nang power-struggle kay Zia.
Lumapag si Hasina sa isang military airfield, sa Hindon, malapit sa Delhi nitong Lunes makaraang umalis sa Dhaka, ayon sa dalawang Indian government officials. Sinalubong siya roon ng National Security Adviser ng India na si Ajit Doval.
Hindi nila idinetalye ang tagal ng ipananatili ni Hasina sa India o kung ano ang mga plano nito.
Iniulat ng Indian Express newspaper, na si Hasina ay dinala sa isang “safe house” at malamang na lumipad ito patungo sa United Kingdom. Hindi naman agad maberipika ng Reuters ang naturang ulat.