Internal error system ng Bank of the Philippine Islands, iimbestigahan na sa Kamara

Courtesy of Wikipedia.org

Hiniling na ng Ako Bicol Partylist sa Kamara na imbestigahan ang internal error system ng Bank of the Philippine Islands.

Inihain nina Ako Bicol Reps. Rodel Batocabe, Alfredo Garbin Jr. at Christopher Co ang House Resolution 1072 para pakilusin ang House Committee on Banks and Financial Intermediaries.

Ang naging problema sa sistema ng BPI ang nagtulak para isulong ang imbestigasyon pero nais nina Batocabe, Gabin at Co na tutukan ng komite ang katatagan ng buong internal system sa banking industry.

Giit ni Batocabe nagdulot ng panic sa maraming depositors ang system error ng  BPI at ito ay sumasalamin din  sa kung gaano kabigat ang magiging sitwasyon sakaling mahina ang internal system ng mga bangko sa bansa.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

umaasa ang tatlong kongresista na makatut

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *