International at Domestic air routes sa Pilipinas, tumaas– DOT
Nakapagtala ang Department of Tourism (DOT) ng pagtaas ng international at domestic air routes sa bansa.
Batay sa Routes Development report ng DOT para noong Hunyo 2023, nairekord sa walo sa international gateways o airport sa bansa ang “significant growth” pagdating sa incoming frequencies and seats kada linggo.
Isa na rito ang inbound flights pa-Manila na may 75% increase sa incoming frequencies at 120% namang ang itinaas sa incoming seats kumpara noong June 2022.
Sinabi pa ng DOT na sa pagitan ng Hunyo at Hulyo ngayong taon ay nagkaroon ng 58 bagong incoming weekly frequencies mula sa iba’t ibang origin cities patungo sa mga international gateways ng bansa.
Incoming weekly frequencies in June and July:
Manila (7 Zip Air from Tokyo, and 2 Air China flights from Chengdu)
Cebu (7 China Eastern Airlines flights from Shanghai, 4 Philippine Air Asia flights from Tokyo, 2 Cebu Pacific from Taipei, and an increase from 5 to 7 Asiana Airlines flights from Incheon)
Bohol (2 Asiana Airlines and 7 Air Busan flights from Seoul)
Kalibo (3 flights from Hangzhou, 3 flights from Ningbo, and 3 flights from Wenzhou via Loong Air, 4 Ok Airways from Chengdu, and 2 TigerAir Taiwan from Taipei)
Clark (7 Asiana Airlines flights from Seoul)
Caticlan (3 Royal Airways flights from Hong Kong)
Cagayan North (2 Royal Airway flights from Macau)” )
Pagdating naman sa domestic tourism, sinabi ng DOT na tumaas din ang domestic air routes.
Kabuuang 83 incoming weekly frequencies ang naidagdag mula July 1, 2022 hanggang June 30, 2023.
Kasama na rito ang mga bagong domestic air flight gaya ng Cebu- Baguio, Cebu-Borongan , at Cebu-Naga.
New domestic air routes:
Cebu-Baguio (4 frequencies per week) Cebu-Borongan (2 frequencies per week) Cebu-Naga (4 frequencies per week)”)
Nagresume na rin ang ilang domestic flights gaya ng Clark to Bacolod, Busuanga, Cagayan de Oro, Caticlan, Davao, Iloilo, General Santos, at Puerto Princesa and vice versa; Manila to Tablas, and Lal-o vice versa; Davao to Bacolod, Cagayan de Oro, and Siargao, and vice versa; at Zamboanga to Cotabato vice versa.
Moira Encina