International coastal clean-up, nilahukan ng iba’t-ibang organisasyon sa Navotas City
Nagkaisa ang iba’t-ibang organisasyon sa lungsod ng Navotas, sa International Coastal Clean-Up.
Ito ay pinangunahan ng PNP Community Affairs Section ng Navotas City sa ilalim ng pamumuno ni Pol. Col Dexter Ollagin, katuwang ang mga miyembro ng BJMP Navotas, Barangay San Jose, Kalikasan Advocacy Group at iba pang mga volunteer.
Nagpasalamat naman ang mga opisyal sa mga nakilahok sa clean up.
Nanawagan din ang Kapitan ng Barangay sa mga mamamayan ukol sa tamang pagtatapon ng basura.
Ayon naman kay Pol. Capt Adonis Sugui, ito ay isa sa pangunahing aktibidad ng PNP Community Affairs Section ng Navotas.
Dagdag pa ng opisyal, ito ay isang matibay na mensahe para sa mga mamamayan, na dapat magkaisa ang lahat ng sektor ng lipunan na pangalagaan ang ating kalikasan at kapaligiran, para na rin sa interes ng lahat ng mamamayan sa gitna man ng nararanasang pandemya.
Edison Domingo, Jr.