International Criminal Court o ICC, puwedeng ituloy ang imbestigasyon kay Pangulong Duterte pero Pilipinas hindi makikipagtulungan-Malakanyang

Hindi hahadlangan ng Pilipinas ang International Criminal Court o ICC kung itutuloy ang imbestigasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque malinaw ang posisyon ni Pangulong Duterte na hindi paiilalim sa imbestigasyon ng ICC.

Ayon kay Roque walang dapat sisihin ang ICC kundi ang kanilang mga prosecutor na lumabag sa probisyon ng Roman Statute on the Principle of complimentarity.

Inihayag ni Roque na ang paglabag ng ICC prosecutor sa Principle of complimentarity ang dahilan ng pagkalas ng Pilipinas sa ICC.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *