International Day of Families, ipinagdiwang sa buong mundo
Ipinagdiriwang taon taon ang International Day of families.
Ito ay opisyal na ideneklara ng United Nations noong 1994 at ginugunita tuwing May 15 ng bawat taon.
Ayon sa UN, layunin ng pagdiriwang na kilalanin ang kahalagahan ng isang pamilya at maitaas pang lalo ang awareness o kamulatan tungkol sa mga isyu na kinasasangkutan ng pamilya na dito ay kabilang ang nauukol sa kalusugan.
Kaugnay nito, binigyang diin ni Dr. Ernest Francis Tan, isang Psychiatrist na kapag mentally healthy ang bawat miyembro ng pamilya, hindi sila magiging suliranin ng komunidad at higit sa lahat ng bansang kanilang kinabibilangan.
Dr. Ernest Francis Nora, Psychiatrist:
“Ito po ay isang napakaimportanteng bahagi para ma maintain natin ang magandang buhay ng isang pamilya. So pag meron po tayong mga anak, kamag anak na may kakaibang galaw o kilos o behavior, huwag po tayong mahihiyang humingi ng tulong, kumunsulta po tayo sa mga eksperto, dahil ang depresyon po, ang mania, ang suicide, ang paggamit ng droga, ang pagka adik sa internet ay isang malaking problema na ngayon.”
Samantala, sa taong ito, ang tema ng pagdiriwang ng international day of families ay “families and inclusive societies“.
Ulat ni Belle Surara