International flights patungong Mactan-Cebu airport, sa NAIA muna lalapag
Smula ngayong araw, May 29 hanggang June 5, ang diversion of flights o pansamantalang paglapag sa NAIA sa Pasay City, ng lahat ng international flights patungong Mactan, Cebu International Airport.
Kasunod ito ng inisyung memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ibinaba ng pangulo ang kautusan matapos hindi sundin ng Cebu ang mandatory COVID-19 testing sa lahat ng mga pasahero nito, pitong araw matapos dumating sa bansa.
Sa ilalim ng IATF Resolution 116-A, lahat ng inbound passengers ay obligadong sumailalim sa quarantine ng sampung araw, sa isang pasilidad at kabilang dito ang pagsasailalim sa D RT-PCR test sa ika-pitong araw ng quarantine ng biyahero.
Ang guidelines na ito ay tinawag ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na mapanupil.
Tiniyak naman ng Sept. of Transportation at Manila International Airport Authority, ang maayos na diversion ng mga biyahe.
Liza Flores