International law lalabagin ng China kapag ipinatupad ang bagong polisiya laban sa mga sinasabing trespasser – DFA
Nagpahayag ng seryosong pagkabahala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa bagong regulasyon ng China Coast Guard, na huhulihin nang walang paglilitis ang mga dayuhan na iligal na manghihimasok sa mga sinasabing teritoryo nito sa South China Sea.
Ayon sa DFA, hindi maaaring ipatupad ang mga domestic law ng isang estado sa teritoryo, maritime zones o hurisdiksyon ng ibang estado at hindi rin nito puwedeng labagin ang mga karapatan ng sovereign state sa ilalim ng international law.
Iginiit ng DFA na direktang malababag ng China ang international law kapag ipinatupad ang mga bagong regulasyon nito sa loob ng iligal na 10-dash line nito, kung saan masasakop pati ang mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sinabi ng DFA na dapat tiyakin ng China na ang mga regulasyon at batas nito ay alinsunod sa mga obligasyon nito sa ilalim ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), 2016 Arbitral Award at sa 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).
Moira Encina