International tourist arrivals sa bansa ngayong taon, mahigit 1.15 milyon na
Lagpas isang milyon na ang naitatalang international visitors ng Department of Tourism (DOT) ngayong taon.
Ito ang inanunsiyo ni Tourism Secretary Christina Frasco sa Tourism Stakeholders’ National Summit na inorganisa ng DOT.
Ayon kay Frasco, mula Enero hanggang Marso 15 ay kabuuang 1,152,590 na ang international tourist arrivals sa bansa.
Sa Tourism Stakeholders’ National Summit, iprinisinta rin ni Frasco ang National Tourism Development Plan (NTDP) 2023 to 2028.
Sinabi ng kalihim na ang NTDP ang magsisilbing blueprint at gabay ng DOT kung papaano mapapalawig ang epekto ng turismo sa ekonomiya ng bansa.
Gayundin, kung papaano magiging sustainable, globally- competitive at innovative ang tourism industry ng Pilipinas.
Sa kabila aniya ng mga hamon na kinakaharap ng industriya ng turismo ay tiwala ang kalihim na makakamit ng DOT ang target goals sa ilalim ng NTDP.
Kasama na rito ang target na 4.8 million na international arrivals ngayong 2023.
Moira Encina