International tourist arrivals sa bansa noong 2022, umabot sa 2.65 milyon
Kabuuang 2.65 milyong turista ang dumating sa bansa noong 2022.
Ito ay batay sa tala ng Department of Tourism (DOT) mula nang buksan ng Pilipinas ang borders nito sa lahat ng uri ng biyahero noong Pebrero 2022 hanggang Disyembre 31, 2022.
Ang nasabing bilang ng international visitors ay higit ng halos isang milyon sa year-end target ng DOT na 1.7 million.
Karamihan sa mga turista sa Pilipinas ay mga dayuhan na nasa 2.02 million habang ang nasa 628,000 ay returning Filipinos.
Pinakamarami sa guest arrivals ay mula sa Estados Unidos na mahigit kalahating milyon.
Kumpiyansa naman ang DOT na maaabot ang target nito ngayong 2023 na 4.8 million international visitors.
Moira Encina