International Womens Day, gugunitain bukas…Samantala, kalusugan ng mga kababaihan tampok sa mga pagdiriwang

Itinalagang buwan ng mga kababaihan ang Marso.

Ito ay batay sa Proclamation no. 224 at Proclamation no. 227  noong March 1 at March 17, 1988.

Nilalayon ng naturang proklamasyon  na kilalanin ang mahalagang bahagi ng mga kababaihan  at mabigyan sila ng parangal.

Napatunayan na ito sa maraming pagkakataon na ang mga babae ay nabibigyang parangal sa iba’t ibang larangan.

Hindi rin mapasusubalian na ang babae ang  inspirasyon at lakas sa likod ng  tagumpay ng isang lalaki.

Kaya naman, mahalagang maingatan ng mga kababaihan ang kanilang kalusugan  dahil malaki ang maiaambag nila sa pagsulong ng kabuhayan ng kanilang pamilya, komunidad, at  lipunan .

Dra. Hermie Maglaya, OB-Gyne, East Ave. Medical center:

“Nagdadalaga, may asawa o nagbabalak pong magkaanak, inaadvise po natin tuloy po ang pagpapa-check up ninyo sa inyong OB-Gyne, kinakailangan pong bantayan ang ating menstruation, alamin kung kailan po ang ating buwanang dalaw, and making sure na malalaman nila kung kailan abnormal ang pagdurugo, kailan po sila magkukunsulta kung may pain o nararamdamang kakaiba po sa kanilang regular na pagkakaroon ng menstruation o pagkakaroon ng abnormal discharges o pag iregular ng kanilang regla”

Samantala, ang tema sa taon ng pagdiriwang ng International Womens Day ay ““Think equal, Build smart, Innovate for Change”.

 

Ulat ni Belle Surara 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *