Internet speed sa bansa, bumilis noong Marso
Naitala ang pagbilis ng fixed broadband at mobile median download speeds sa bansa noong Marso.
Sa report ng Ookla Speedtest Global Index, mula sa 49.10Mbps noong Pebrero ay tumaas sa 52.16Mbps ang fixed broadband median speed sa bansa.
Ito ay kumakatawan sa 6.23% month-to-month na pagtaas sa speed para sa fixed broadband.
Ayon pa sa Ookla, ang average download speed para sa fixed broadband ay 83.37Mbps.
Bumilis din ang mobile median speed sa download speed na 19.38Mbps mula sa 18.79Mbps noong Pebrero.
Katumbas ito ng 3.14% month-to-month increase sa speed para sa mobile.
Ang average download speed naman para sa mobile ay 45.48Mbps.
Ang pagbuti ng internet speed ay kasunod na rin ng atas ni Pangulong Rodrigo Duterte na pabilisin ng mga LGUs ang pag-iisyu ng permit sa mga telcos at pagtatayo ng mga cellular towers at fiber optic network.
Madelyn Moratillo