Investment mula sa China, mas dumami pa sa ilalim ng Duterte administration
Lumago umano ng 20 beses ang investment sa Pilipinas mula sa China.
Ayon kay Trade secretary Ramon Lopez, nanguari ito matapos ang friednly approach ng Pilipinas sa China.
Katunayan, sinabi ni Lopez na mula sa dating 50 million dollars, umaabot na ngayon sa mahigit one billion dollar ang pumasok na investment mula sa China.
Ilan sa mga tinukoy na investment ni Lopez ang pondo para sa enerhiya, power at dam projects, industrial at mga Infrastructure projects.
Noong Abril, una nang nangako si Chinese President Xi Jinping ng 7.7 billion na grant sa Pilipinas sa ilalim ng belt and road initiative.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: