“invite home a friend” isusulong muli ng Department of Tourism

Isinusulong na muli ng Department of Tourism ang proyektong invite home a friend” bilang bahagi ng pagsusumikap na mapalago ang industriya ng turismo sa Pilipinas.

Hinimok ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo ang mga Filipino expats sa North America, partikular na ang young professionals, millennials at social media influencers na makiisa at suportahan ang naturang proyekto.

Sinabi ng kalihim, binuhay ng DOT ang naturang incentive travel program, na unang inilunsad ni dating Tourism Secretary Mina Gabor noong 1994 sa US Travel Market rin, na ikalawang top source ng foreign arrivals ng Pilipinas.

Sa ilalim ng invite home a friend program, na binuo ni Gabor, ang mga Pinoy na makapag-iimbita ng dayuhan upang bumisita sa bansa ay pagkakalooban ng libreng flight at hotel accommodation habang ipinapasyal ang kanyang mga kaibigan sa magagandang tourist destinations sa bansa.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *