Ipinangakong bakuna ng WHO sa Pilipinas malaking tulong para madagdagan ang mabakunahang healthcare workers
Kakulangan sa suplay ng bakuna kaya hindi agad mabakunahang lahat ang mga healthcare worker sa bansa.
Ganito sinagot ni Cabinet Secretary at co – chair ng IATF, Carlo Nograles ang obserbasyon ng isang WHO representative na kulang umano ang proteksyong ibinibigay ng gobyerno sa mga healthcare worker.
Sinabi ni Nograles, malaking bahagi ng health workers ang nabakunahan na at mas lalong madadagdagan ang bilang sa pagdating pa sa April 22 at 29 ng tig 500 thousand doses ng Sinovac.
May darating din mula sa Russia.
Umaasa si Nograles na makatugon din ang WHO sa pangako nito sa Pilipinas sa pamamagitan ng Covax Facility.
Julie Fernando