IRR ng EO No. 174, pirmado na
Pirmado na ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Executive Order (EO) No. 174, o ang Establishing the Expanded Career Progression System for Public School Teachers.
Layon ng nasabing IRR na mas mapabilis ang progreso ng career ng mga guro.
Kasama sa ceremonial signing si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara, Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, at Professional Regulation Commission (PRC) Chairperson Charito Zamora.
Sa bagong IRR, kasama na sa Classroom Teaching Career Line ang karagdagang teaching positions: Teacher IV (SG 14), Teacher V (SG 15), Teacher VI (SG 16), Teacher VII (SG 17), at Master Teacher V (SG 22).
At para sa mga nais na tahakin ang administrative roles, kasama rin dito ang ilang position: School Principal I, School Principal II, School Principal III, at School Principal IV.
Kasabay nito siniguro naman ng DBM na kasama rin dito ang magiging salary adjustment ng mga guro.
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa kaniyang SONA noong Lunes, na walang teacher ang magreretiro ng Teacher 1.
Earlo Bringas