IRR ng expanded Solo Parents Welfare Act , pinirmahan na ng DSWD
Aprubado na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang Implementing Rules and Regulations o IRR ng Republic Act 11862 o Expanded Solo Parents Welfare Act.
Sinabi ni DSWD Spokesman Assitant Secretary Romel Lopez batay sa probisyon ng Expanded Solo Parents Welfare Act tatayong Chairman ng Inter Agency Coordinating and Monitoring Committe ang DSWD at miyembro ang Department of Finance, Department of Education, Commission on Higher Education, Department of Justice, Department of Migrant Workers at Department of Health.
Inihayag ni Lopez nakasaad sa IRR ng bagong batas na makakatanggap ng buwanang financial assistance na isang libong piso kada buwan ang mga solo parents na kumikita ng below minimum wage, 10 percent discount sa mga produktong gagamitin ng anak na below six years old at otomatikong miyembro ng Philhealth.
Samantalang ang mga solo parents na kumikita ng minimum wage ay mayroong 10 percent discount sa lahat ng mga produktong kailangan ng anak na below six years old at otomatikong miyembro ng Philhealth.
Niliwanag ni Lopez na lahat ng mga solo parents ay bibigyan ng mga LGUS ng Identification Card o ID at obligado din ang mga lokal na pamahalaan na magtatag ng Office of Solo Parents Welfare Desk.
Vic Somintac