Isa ang patay, dose-dosena ang nasaktan sa lindol na tumama sa Indonesia
Isa ang namatay at dose-dosena naman ang nasaktan sa pagtama ng 5.9-magnitude na lindol sa Sumatra island sa Indonesia, ngayong Sabado ng umaga.
Ayon sa US Geological Survey, ang tumamang lindol na medyo mababaw sa lalim na 13 kilometro (walong milya) ay nangyari bago mag-2:30 (1930 GMT) ngayong Sabado ng umaga, mga 40 kilometro mula sa bayan ng Sibolga sa lalawigan ng North Sumatra.
Ayon kay Regional disaster mitigation agency official Febrina Tampubolon, isang lalaki na nasa kaniya nang 50s ang namatay dahil sa atake sa puso bunsod ng lindol, at hindi naman bababa sa 25 ang nasaktan.
Kumakalap pa ang mga awtoridad ng mga ulat tungkol sa pinsala, ngunit sinabi ni Tampubolon na napinsala ang electricity poles at telecommunication towers sanhi para maapektuhan ang mga serbisyo nito.
Nakapagtala naman ang Indonesian Meteorology and Geophysics Agency (BMKG) ng higit sa 50 aftershocks.
Pinayuhan ni BMKG head Dwikorita Karnawati ang mga residente na bantayan ang mga darating pang tremors, at hinimok ang mga tao na magtungo sa mas ligtas na mga lugar.
Aniya, “For those whose houses were damaged, it is advised to not stay inside as possible aftershocks could worsen the damage. Aftershocks could also trigger landslides.”
© Agence France-Presse