Isa ang patay sa air strikes ng Israel sa Northeastern Syria
DAMASCUS, Syria (AFP) – Patay ang isang sibilyan at anim na iba pa ang nasugatan, matapos ang ginawang air raid ng Israel sa northeastern Syria.
Simula nang sumiklab ang civil war sa Syria noong 2011, regular nang nagsasagawa ng raids ang Israel na ang kalimitang target ay ang Iranian at Lebanese Hezbollah forces, at tropa ng gobyerno.
Batay sa military source, ang nangyaring pag-atake sa isang pabrika ng plastic sa Latakia province, na ancestral home ni Syrian President Bashar al-Assad, ay nangyari ilang sandali lamang makaraan ang alas dos ng madaling araw (local time).
Ayon sa source . . . “The Israeli attack left one civilian dead and six wounded, including a boy and his mother.”
Hindi nagpalabas ng eksaktong detalye ang mga kinauukulan, ngunit ayon sa media reports ay tinamaan din ang mga bayan ng Hifa at Masyaf, at nagsagawa rin ng counter attack ang Syrian air defence system.
Hindi naman nagkomento ang Israeli military sa naturang report ng counter attack.
Ayon naman sa isang senior military defector, ilang lugar sa bayan ng Jabla ang tinamaan din.
Batay pa sa reports, hindi pangkaraniwan ang nangyaring pag-atake sa Latakia na malapit sa Hmeimim, ang main air base ng Russia na malapit na ka-alyado ng Syria.
Nitong mga nakaraang buwan, ay pinaigting ng Israel ang tinatawag na “shadow war” laban sa Iranian-linked targets sa loob ng Syria.
@ agence france-presse