Isa ang patay sa naganap na sunog sa Mariveles, Bataan
Isa ang patay sa naganap na sunog pasado alas dose ng madaling araw Sabado (Dec 12), sa bahagi ng Laya street, Barangay Poblacion sa Mariveles, Bataan.
Mabilis na tinupok ng apoy ang dalawang palapag na bahay, kung saan gawa sa light materials ang 2nd floor nito.
Mabilis namang rumesponde ang Mariveles Bureau of Fire Protection (BFP) Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), mga opisyal ng Baranggay at Philippine National Police (PNP).
Nagawa pang maisugod sa pinakamalapit na ospital ang bata matapos ma-suffiocate sa usok, subalit namatay din ito.
Nabatid na ang may-ari ng dalawang palapag na bahay ay nakatira sa unang palapag, habang pinauupahan naman nito ang o ginawang boarding house ang 2nd floor kung saan nakatira ang apat na pamilya.
Walang nailigtas na kagamitan ang mga pamilyang nasunugan.
Nagparating naman ng mensahe si Mayor Jocelyn Castañeda sa kapitan ng Baranggay, na nakahanda ang lokal na pamahalaan na magkaloob ng tulong.
Aniya, maaaring pansamantalang ilikas ang mga nasunugan sa isang hotel sa Mariveles.
Iniimbestigahan na ng BFP at PNP ang sanhi ng sunog, at kung magkano ang halaga ng naging pinsala.
Ulat ni Larry Biscocho