Isa pang international telecom nagpahayag ng pagnanais na maging third player para buwagin ang duopoly ng globe at smart – Malacañang
Nadagdagan pa ang international telecommunications company na nagnanais na maging third player party na nakahandang maumuhunan sa Pilipinas sa larangan ng komunikasyon.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar iniulat ni Department of Information and Communications Technology o DICT OIC Eliseo Mijares Rio Jr kay Pangulong Rodrigo Duterte ang interes ng PT&T company na makilahok sa pagpapaganda ng telecommunication services sa bansa.
Unang lumutang ang China Telecom na nakahandang maglagak ng puhunan na inaasahan namang wawasak sa duopoly ng local telecommunications industry.
Sinabi ni Andanar na minamadali na ngayon ng DICT ang kailangang mga dapat gawin upang makapasok na ang mga interesadong third players na tiyak na magbibigay ng magandang serbisyo sa mga subscriber at magpapalakas sa kompetisyon ng mga nasa telecommunication business.
Ayon kay Andanar patuloy itong magsisilbing babala sa Globe at Smart na dapat ayusin nila ang kanilang serbisyo dahil mayroong ibang mga kompanya na nagnanais ng pumasok sa kompetisyon.
Naninindigan ang Malakanyang na basagin ang duopoly ng Globe at Smart dahil patuloy na mabangal ang kanilang internet serivces.
Ulat ni Vic Somintac