Isa pang opisyal ng SRA na lumagda sa sugar importation, nagbitiw sa puwesto
Nagbitiw na sa puwesto ang isa sa mga board member ng Sugar Regulatory Administration na si Attorney Roland Beltran.
Si Beltran ay isa sa mga lumagda sa sugar order number 4 na nagrerekomenda para umangkat ng tone- toneladang asukal.
Sa kaniyang sulat kay Executive Secretary Vic Rodriguez na may petsang August 14 at ipinadala sa pamamagitan ng email, sinabi ni Beltran na may problema siya sa kalusugan.
Ang kaniya raw pagbibitiw ay walang prejudice sa isinasagawang imbestigasyon sa questionable imports ng asukal.
Noong July 1 raw kasi ay nakapagpaalam na siya sa sra dahil sa pagtatapos ng termino ng Duterte administration pero July 29 ay nakatanggap siya ng sulat sa management ng SRA na siya ay “on hold over capacity”.
August 1 nakatanggap raw siyang muli ng sulat at pinakiusapan ng SRA board na ipagpatuloy ang kaniyang trabaho pero ngayon ay naakusahan ng dereliction of duty.
Iginiit naman ni Beltran na ang kaniyang paglagda sa importasyon ng asukal ay subject pa sa compliance sa probisyon ng batas.
Meanne Corvera