Isa pang petisyon kontra Anti-Terror Law inihain sa Korte Suprema
Naragdagan pa ang mga petisyon sa Supreme Court laban sa Anti-Terrorism Act.
Ang pinakabagong petisyon ay inihain ng Center for International Law Inc., Foundation for Media Alternatives Inc., Democracy.net.ph, Vera files inc., at mamamahayag na si Ellen Tordesillas.
Ito na ang ika-27 petisyon kontra sa Anti-Terror Law.
Nais ng mga petitioners na mag-isyu ang Korte Suprema ng TRO laban sa pagpapatupad ng kontrobersyal na batas partikular sa PNP at NBI.
Iginiit ng mga petitioners na labag sa Saligang Batas ang ilang probisyon ng batas.
Kabilang na rito ang Freedom of Speech at Right to Peaceful assembly.
Ulat ni Moira Encina