Isa pang petisyon laban sa kandidatura ni BBM ibinasura ng Comelec en banc
Ibinasura narin ng Comelec en banc ang isa pang motion for reconsideration na humihiling na baliktarin ang naunang desisyong nagbasura sa petisyong nais ipadeklara si Presidential frontrunner BongBong Marcos bilang nuisance candidate at kanselahin ang kanyang certificate of candidacy.
Anim na Comelec Commissioner ang bumoto ng pabor sa pagpapatibay sa naunang desisyon ng kanilang 2nd division habang nag- inhibit si Commissioner George Garcia dahil dati siyang naging abogado ni Marcos.
Sa limang pahinang resolusyon ng Comelec en banc, nakasaad na rehashed lang ang mga argumento na inilatag ng petitioners sa kanilang inihaing MR.
Wala umanong nailatag na bagong argumento ang mga ito para baliktarin ng en banc ang desisyon ng 2nd Division.
Sa desisyon ng Comelec 2nd division nakasaad na bigo ang petitioners na patunayang isang nuisance candidate si Marcos.
Ayon sa Comelec sapat ng patunay ang political background ni Marcos para patunayan ang bonafide intention nito sa pagtakbo sa pampanguluhang halalan.
Bukod rito, ang partido ni Marcos na Partido Federal ng Pilipinas ay isang rehistradong Political party na kinikilala ng poll body.
Ang nasabing petisyon laban kay Marcos inihain ni Danilo Lihaylihay na kumandidato sa pagkapangulo pero naideklarang nuisance candidate ng poll body.
Salig sa Section 69 ng Omnibus Election Code, nakasaad na maaaring makansela ang COC ng isang kandidato kung makikita na ang paghahain nito ng certificate of candidacy ay layon lamang na tuyain ang election process at wala itong bonafide intention to run.
Madelyn Villar-Moratillo