Isa pang petisyon na kumukuwestyon sa pagkalas ng Pilipinas sa ICC, inihain sa Korte Suprema

Inihain sa Korte Suprema ang isa pang petisyon na kumukwestyon sa pagkalas ng gobyerno ng Pilipinas sa Rome Statute ng International Criminal Court o ICC.

Ang ikalawang petisyon ay inihain ng grupong Philippine Coalition for the International Criminal Court na binubuo ng mga indibidwal at grupo na bahagi ng kampanya ng Pilipinas para mapabilang sa ICC.

Sa mahigit 50 pahinang petisyon, hiniling ng PCICC na ideklarang walang bisa ng Supreme Court ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC dahil sa pagiging labag sa Saligang Batas bunsod ng kawalan ng pagratipika ng Senado.

Ayon sa petitioners, nagkaroon ng pagmamalabis si Pangulong Duterte dahil sa kawalan ng hurisdiksyon nang magpasya ito sa sarili na bawiin ang membership ng Pilipinas sa ICC.

Iginiit nila na niratipakahan ng Senado ang Rome Statute kaya hindi maari itong ipawalang-bisa ng Ehekutibo.

Tanging ang Senado lang anila ang maaring magkansela o magpawalang-bisa ng nasabing tratado.

Una nang naghain ng petisyon sa Supreme Court ang mga opposition senators laban sa pagkalas ng Pilipinas sa ICC.

Itinakda na ng Korte Suprema ang oral arguments sa nasabing petisyon sa July 24.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *