Isa pang subdivision sa Biñan City, Laguna, inilagay sa Critical Zone dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19
Idineklara ng lokal na pamahalaan ng Biñan City sa Laguna na Critical Zone Area ang isa pang subdivision sa lungsod.
Ito ay ang Golden City Subdivision sa Brgy. Canlalay dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Isinailalim sa Critical Zone ang lugar hanggang sa Abril 14.
Una na ring inilagay sa Critical Zone ang South Springs Residential Estates mula rin sa Brgy. Canlalay.
Ayon sa city government, ang pagdideklara ng Critical Zone ay isang LGU-led containment strategy na itinuturing na best approach para mapigilan ang pagkalat ng COVID.
Ang mga inilalagay sa Critical Zone Areas ay ang mga lugar kung saan natukoy ang clustering ng mga kaso sa nakalipas na pitong araw.
Ang isang subdivision ay maaaring isailalim sa Critical Zone kung may hindi bababa sa apat na suspect, probable o confirmed cases ng COVID-19 doon.
Sa pinakahuling tala, kabuuang 284 ang aktibong kaso ng COVID sa Biñan City.
Moira Encina