Isa patay matapos lumubog ang isang migrant boat sa Colombia
Isa ang namatay nang lumubog sa Caribbean coast ng Colombia, ang isang bangka na may lulang 18 undocumented migrants.
Ayon sa migration office ng Colombia, 15 katao ang nasagip na ang anim dito ay mga bata.
Wala nang detalye tungkol sa dalawang iba pa na lulan din ng bangka.
Nangyari ang insidente malapit sa mga isla ng San Andres at Providencia, malapit sa border ng Colombia at Nicaragua.
Sinabi ng military officials na nagpapatuloy ang search and rescue operation ng navy rapid reaction units kasama ng air force.
Noong Mayo, nagpatupad ang Washington ng sanctions sa Nicaragua, at inakusahan itong sangkot sa trafficking ng undocumented migrants na naghahangad na makarating sa Estados Unidos.
Una nang sinabi ng Colombia, “Migrants are increasingly using a clandestine route between San Andres and Nicaragua to avoid the dangerous crossing through the Darien jungle between Colombia and Panama, heading north through Central America and eventually to Mexico and the US border.”