Isa patay sa Greek wildfire
Isa ang iniwang patay ng tinaguriang ‘worst wildfire’ ng Greece, na patuloy pa ring naglalagablab sa labas ng Athens, kapitolyo ng bansa, bagama’t ang mas mahinang hangin at pagsisikap ng mga bumbero ay nakatulong na mabawasan ang lakas nito.
Daan-daang mga bumbero kasama ng fire engines at waterbombing aircraft, ang nagtulong-tulong upang apulahin ang apoy na sumiklab noong Linggo malapit sa Varnavas village, 35 km o 20 milya sa hilaga ng Athens at tumupok sa mga bahay, mga sasakyan at tuyong-tuyong kagubatan.
Dahil sa lakas ng hangin, ang apoy ay tumalon mula sa isang kakahuyan at maburol na lugar patungo sa labas ng Lungsod nitong Lunes, at binalot ang siyudad ng usok at abo na nagdulot ng sindak sa magkakapitbahay, na hindi pa nakakita ng sunog ng ganoong kalapit.
Ayon sa fire brigade, umabot ito sa Vrilissia, humigit-kumulang 14 km (8 milya) mula sa central Athens, kung saan isa katao ang natagpuang patay. Ang sanhi ng wildfire ay hindi pa rin natutukoy.
Burned houses are seen following a wildfire in the Penteli area near Athens, Greece, August 13, 2024. REUTERS/Alexandros Avramidis
Sinabi ng isang fire brigade official, “Winds were expected to pick up again later in the day on Tuesday and the country will remain on high fire alert until Thursday, with strong winds and temperatures forecast to reach up to 40 degrees Celsius (104 degrees Fahrenheit). The overall picture looks improved but there are still many fronts in various areas.”
Ang mga wildfire ay karaniwan sa Greece kapag tag-init, ngunit ang climate change ay nagdulot ng mas mainit na panahon at kakaunting ulan, na perpektong kondisyon para sa malalaking mga sunog.
Naranasan ng Greece ang ‘warmest winter’ nito ngayong taon at nasa landas para sa pinakamainit nitong summer, at may ilang lugar din na ilang buwang dumanas ng kakaunting pag-ulan.
Ang lumalalang sitwasyon ay nangyari rin sa buong southern Europe, gaya ng Spain at Balkans.
Burned cars are pictured outside a damaged factory following a wildfire in the Penteli area near Athens, Greece, August 13, 2024. REUTERS/Alexandros Avramidis
Sa ulat ng local newspaper na Proto Therma, “The Greek fire left in its wake abandoned homes, burned cars and charred fields. The damage spanned 100 square kilometres (39 square miles) and included 100 homes.”
Binuhay ng Greece ang European Civil protection mechanism at inaasahan ang ayuda mula sa France, Italy at Czech Republic sa pamamagitan ng aircraft at firefighters. Ang Spain at Turkey ay nag-alok din ng tulong.
Mahigit sa 30 lugar ang napilitang lumikas ang mga tao, pati na rin sa tatlong ospital, habang nawalan din ng suplay ng kuryente ang malaking bahagi ng Athens region.
Ang mga pasahero naman sa ferries na patungo sa port of Rafina sa hilagang-silangan ng kapitolyo ay na-divert.
Tumulong ang mga pulis sa paglilikas ng mahigit sa 250 katao, habang ilan sa mga residente ang nagpalipas ng gabi sa mga shelter.