Isa patay sa matinding pag-ulan sa Noto region ng Japan
Isa na ang patay sa Noto region sa central Japan, ang rehiyon na nagsisimula pa lamang bumangon mula sa dinanas na malakas na lindol noong New Year’s Day.
Ang matinding mga pag-ulan ang nagtulak sa mga awtoridad na ipag-utos ang paglikas ng libu-libong katao, at nagbunga na rin ng mga blackout sa mahigit anim na libong mga bahay.
An aerial view taken by a helicopter shows a flooded residential area caused by torrential rain in Wajima, Ishikawa Prefecture, Japan September 21, 2024, in this photo taken by Kyodo. Mandatory credit Kyodo/via REUTERS
Sa ulat ng public broadcaster na NHK, pito katao, kabilang ang apat na nagtatrabaho sa quake reconstruction, ang nawawala, at bumabaha ng tawag sa fire department mula sa mga humihingi ng tulong.
Ang hourly rainfall ay umabot sa 121 mm (4.8 inches) noong Sabado ng umaga sa Wajima, habang sa katabi nitong Suzu ay umabot naman ng 84.5 mm sa isang oras, ang mga naitalang ito ay kapwa “all-time high.”
An aerial view taken by a helicopter shows submerged cars caused by a torrential rain at the parking space of the city government office in Wajima, Ishikawa Prefecture, Japan September 21, 2024, in this photo taken by Kyodo. Mandatory credit Kyodo/via REUTERS
Sa TV footage ay makikita ang kulay brown na tubig-baha sa mga lansangan na tila ilog na sa Wajima, at mga sasakyang inabot ng baha.
Ayon kay Chief Cabinet Secretary Yoshimasa Hayashi, “Military personnel have been dispatched to the region to work on a rescue mission along with police officers and fire fighters.”
Debris following floods caused by a torrential rain are seen in Wajima, Ishikawa Prefecture, Japan September 21, 2024, in this photo taken by Kyodo. Mandatory credit Kyodo/via REUTERS
Aniya, “This is heavy rain in the region that suffered massive damage by the Noto peninsula earthquake. There must be many people who are very worried.”
Matatandaan na mahigit sa 300 katao ang namatay sa Suzu, Wajima at mga lugar na nakapaligid dito dahil sa tumamang 7.6 magnitude na lindol noong New Year’s Day.