Isa sa bawat apat o 25 milyong Pilipino hypertensive o may mataas na blood pressure.

Sa nakalipas na 22nd Annual Convention ng Philippine Society of Hypertension, tinalakay ang pagtaas ng insidente ng mga taong  hypertensive o may high blood pressure.

Batay naman sa findings ng International Society of Hypertension o ISH  na nakabase sa Pilipinas,   isa sa bawat apat na Pilipino o   mahigit  sa 25 milyong mga Pilipino ay may mataas na blood pressure.

One fourth sa nabanggit na bilang ay mga kabataan.

Itinuturong dahilan ng mga eksperto ay ang pagkain ng maaalat na pagkain na karaniwang nasa mga fast food chain.

Ang mga processed food o ang mga  pagkaing may salitre halimbawa ay tosino, longganisa, hot dog at iba pa ay contributor din sa ikapagkakatoon ng mataas na blood pressure kung kaya dapat na limitahan ang pagkain nito.

Bukod sa pagkain, ang maling paggamit o mahabang oras na inilalaan sa paggamit ng gadgets ng mga kabataan ay kabilang din sa mga sanhi ng pagkakaroon ng high blood.

Ayon pa sa ISH, kung hindi babaguhin ang istilo ng pamumuhay o lifestyle, maaaring umabot sa dalawa sa apat na mga Pilipino ang magiging hypertensive.

Ang kanilang rekomendasyon, healthy lifestyle, ibalik ang pagkain ng sariwang gulay at prutas, maglaan ng oras sa pag e-exercise, iwasan ang stress, at dagdagan ang pag inom ng tubig.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *