Isa sa Drive thru covid testing center sa Maynila pansamantalang isinara
Pansamantalang sarado ang Covid-19 Drive Thru testing center na nasa Kartilya ng Katipunan malapit sa Manila City Hall.
Ang pansamantalang pagsasara sa nasabing drive thru testing center ay dahil sa on going road construction sa may bahagi ng Lawton.
Kaya naman pinayuhan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga nais makapagpacovid test na sa drive thru covid testing center nalang sa Luneta magpunta.
Bukod rito may mga walk in testing center din aniya na pwedeng puntahan na nasa Ospital ng Tondo, Ospital ng Sampaloc, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center at Justice Jose Abad Santos General Hospital.
Samantala, inanunsyo rin ng alkalde na magkakaroon na rin ang Maynila ng IgM antibody serology testing bilang bahagi ng kanilang pinaigting na COVID-19 response.
Ito ay matapos aniya silang makatanggap ng IgM reagents para sa kanilang serology testing machines.
Madz Moratillo