Isa sa mga akusado sa Baladjay group Pyramiding scam, naaresto ng NBI
Nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation o NBI-Technical Intelligence division ang isa sa mga akusado sa Baladjay group pyramiding scam.
Kinilala ng NBI ang nadakip na si Randy Rubio na kapwa akusado sa kasong syndicated estafa ng tinaguriang Pyramiding scam queen na si Rosario Baladjay.
Si Rubio ay naaresto ng NBI noong Enero 19 sa Cabanatuan City matapos dumalo sa isang religious gathering bilang speaker.
Ikinasa ng NBI ang operasyon matapos makatanggap ng imprkasyon sa kinaroroonan ni Rubio.
Ang warrant of arrest laban kay Rubio ay ipinalabas ng Makati city regional trial court.
Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa paglaya ni Rubio.
Ang kaso laban kay Rubio ay kaugnay sa pagkakasangkot nito sa investment scheme ng Multinational Telecom Investors Corporation o Multitel ni Baladjay.
Ulat ni Moira Encina
=== end ===