Isa sa mga petisyon vs PUV modernization, ibinasura ng SC
Ibinasura ng Korte Suprema ang isang petisyon laban sa jeepney modernization dahil sa paglabag sa hierarchy of courts at kawalan ng legal standing ng petitioners.
Partikular na ibinasura ng Supreme Court ang petisyon ng grupong Bayyo Association Incorporated.
Sa 20-pahinang desisyon ng SC, sinabi na bigo ang grupo na patunayan na lehitimong asosasyon ito ng jeepney operators at drivers sa Metro Manila.
Ayon pa sa SC, dapat ay sa mababang korte muna inihain at inapela ang kaso bago ito iniakyat sa Korte Suprema.
Sinabi ng SC na batayan ang mga nasabing depekto para idismiss ang petisyon at hindi bigyang bigat ang mga merito sa mga argumento nito.
Nais ng petitioners na ideklarang labag sa Konstitusyon ang pagpapagamit ng gobyerno ng mga bago at environment-friendly na PUVs.
Iba pa ang nasabing petisyon sa inihain ng grupong PISTON noong nakaraang taon.
Moira Encina